madali magsabing kumapit ka lang kung hindi ikaw ang nakabitin. kung hindi ikaw ang nag-aagaw buhay araw-araw. pinipilit bumangon tuwing umaga. tahimik na binubulyawan ang araw dahil sumikat ito agad.
madaling magtanong kung ano ba talaga ang gusto mo, kung hindi ikaw ang nakalaang sumagot. madaling magbigay ng payo, madaling isipin na pano kaya kung ikaw ang maysuot ng sapatos. pero iba ang sukat mo at iba ang kakayahan mo. iba ang bangin na sinasabitan mo. iba ang pinanghahawakan mo at babagsakan mo.
walang mas kawawa or mas maswerte sa atin. may responsibilidad ka, meron din ako. may pinagdadaanan ka, meron din ako. hindi ako nag-iisa alam ko, alam mong meron ding taong mga nakapalibot sayo.
hindi ko gusto bumitaw dahil sumusuko ako. hindi ako handang tumalon dahil pagod nako kumapit.
gusto ko bumitaw para lumaya. para gamitin itong mga pakpak na hinayaan kong maitali ng mundo.
gusto ko tumalon para makapunta sa mas malalayong lugar. para makaalis sa bangin na to.
mas mahirap bumitaw. hindi ko alam kong makakalipad ba talaga ko o bubulusok pababa. sugatan, duguan, talunan. na naman.
pero kelangan ko tong gawin. kasi pagod na pagod nako.
hindi sa pagkapit. kundi sa pagiging hindi malaya. sa pagpilit sa sarili ko gawin ang bagay na mahal ko, pero hindi ko nagagawa sa paraang kumportable ako, sa paligid ng mga taong nakakatulong sa akin lumago.
kasi alam mo ngayon, hindi ko na talaga alam kung sino pang makakaintindi.
ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito.
alam ko, hindi mo din alam.
ni hindi nga kita kilala. gusto lang kita kausapin. salamat sa pakikinig.

No comments:
Post a Comment